1: The Eavesdropper
Minsan may nakakasalamuha ka na matindi ang dating sa buhay mo.
Hindi naman lahat positive, pero binabago nila ang pagkatao mo.
Hindi mo alam kung paano nila maapektuhan ang career mo.
Ni hindi mo alam kung magtatagal sila.
At kung magtagal sila, anong kahihinatnan?
Hindi mo alam na meron silang makapagbabago ng buhay mo.
Sabi nila, ang lahat nang tao ay merong kapalaran.
Wala kang control dito. Nangyayari lang siya. Nakasulat sa mga bituin.
Pwera na lang kung kagaya mo ako…
Yung nagbago ang kapalaran.
Dahil may nangialam…
Normal na tao lang din ako. Pumupunta sa school. Nagtatrabaho. Naglalaro. Umuuwi.
Pero sa kakaibang pangyayari, nagbago ang mundo ko…
Lahat ay dahil sa…
KAPALARAN.
Malalamig na butil ng ulan ang pumatak sa mga kalasada ng Quezon City. Alas sais na at kahit nagtatago na yung araw, maliwanag parin dahil sa dami ng Christmas lights na nakadisplay sa mga bahay at building. Ang daming tao na naiinis habang tumatakbo sa iba’t-ibang direksyon para protektahan mga sarili nila sa biglang buhos ng ulan. Yung mga nastranded na kotse bumubusina na, pero wala parin sila sa lakas ng tunog nang holiday music sa bawat kanto.
“Ano ba yan, aattend pa ako ng Christmas party! Sana tumigil na ‘to!”
“Terible na traffic nang ganitong oras. Wala pang taxi!”
“Ayan, bibili pa tuloy ako ng payong!”
Panay reklamo nang mga tao na naipon sa mga waiting shed.
Ako naman walang pake sa ulan. Mas naexcite pa nga ako. Suot yung training clothes ko, tinuloy ko lang yung box jumps ko sa mga bench.
“Ingat Navi. Madulas. Ayoko mainjure ka.”
“Copy, coach.”
Itinigil ko na yung work-out ko at kinuha yung towel sa bag para punasan mukha ko.
“Ay ano ba ‘tong ginagawa ko?”
Minsan lutang din ako eh. Basa na ako ng ulan kaya hindi ‘to kaya nang kahit anong tuyong twalya.
“Hindi ka na pwedeng magskip ng practice time. Sabihin mo sa manager mo, sundin niya yung pinag-usapan namin!” sabi nung coach ko. Yung mga ka-team ko tumakbo na sa kalapit na building para di mabasa.
Ako naman, lumingon lang at kumaway. Nagjogging na ako papuntang bahay.
Yung manager na sinasabi niya, nasa tapat na nang bahay ko kinaumagahan. Sinusundo niya ako para pumunta sa agency. Ren Espina, matabang lalake na mga late 30s na. Nakakatatlong hakbang siya kada isang hakbang ko. Nung nakarating kami ng conference room, hinihingal at dumadaing na siya.
“Mga matatangkad talaga oh.” Reklamo niya.
“Pandak ka lang boss.” Tawa ko, sabay iwas sa sipa nung maikli niyang mga binti. Ni hindi nga aabot nang balikat ko si Boss Ren.
“Maghintay ka muna sa loob, punta lang akong banyo.” Sabi niya habang tumatalon on the spot.
“Hahahaha.” Tinawanan ko siya habang pinapanood ko siyang tumakbo pa-banyo. Sabi niya kanina, nakainom siya ng dalawang tumbler ng kape kagabi para magising siya sa meeting niya.
Eh kaya lang lactose intolerant at acidic siya.
Bago ako makapasok sa room, bumukas na yung pinto at may mga galit na boses. Maya-maya lang may bumangga sakin.
“Oh, sorry.” Sabi ko.
Yung lalakeng nakabangga ko, tiningnan ako, tapos pinanlisikan ako nang mata. Dinaanan lang niya ako at naamoy ko yung mamahalin niyang pabango.
“Tsk.” Rinig ko sabi niya.
“Sorry.” Sabi ko na lang ulit. Yung manager niya at staff, karga-karga yung mga damit niya.
Teka, bakit ba ako nagsosorry? Siya nga ‘tong di tumitingin.
“Have yourself a merry little Christmas…”
Aaaaah. Buong floor nagpapatugtog ng music. Malapit na talagang magChristmas. Paborito kong season. Gusto ko yung ambiance nitong holiday. Kumikinang na ilaw kahit saan, amoy ng bibingka sa kalye, dekorasyon, mga regalo.
“Nakakainis yung kanta.” May pagbabanta sa tono niya. Sinisira nito mood ko ah.
Ano bang problema niya?
Itong lalaking bumangga sakin, sinipa ba naman yung Christmas tree! Malalaglag sana kung di lang nasalo nung manager niya.
“Tumigil ka.” Ayan pinagalitan siya.
“Kaninong kasalanan sa palagay mo?” tahol siya sa manager niya.
Nahuli niya akong tumitingin sa kanya kaya tiningnan niya ako nang masama habang pinipindot yung elevator button. After nun, pumasok na siya at yung staff kasunod niya.
“Navi, nandito ka na! Nasaan si Boss Ren?” tanong nang isang babae nung pumasok na ako sa kwarto.
“Tumatae siya.” Sabay turo sa pinto.
Natawa yung babae tapos binigyan ako ng inumin at dalawang styro ng pagkain.
“Nandito ako Gia.” Nakabalik na si Ren sabay punas nang pawis. “Late na ba kami?”
“Hindi. Sa totoo lang napaaga nga kayo.” Buntong-hininga ni Gia. Kinakabahan niyang tiningnan yung pinto sa likod niya sabay iling. “Ililipat namin kayo sa panghapon na slot.”
“Ano?! Eh nakasked kami ng 10am!” sabi ni Ren.
Pagtingin ko sa relo ko, 8:30am na.
“Alam ko po. Kaya lang may mga pagbabago.” Nagsulat siya sa clipboard niya tapos bumulong nang hindi gumagalaw yung bibig niya. “Nagdemand si Sohan Ramirez na mauna kasi may schedule daw siya sa tanghali. Pinagpilitang i-adjust yung sked kasi sobrang busy daw niya.”
“Kaya pala nakita ko si Karl kanina.” Sabi ni Ren.
May mga tao na lumabas dun sa pinto sa likod ni Gia at lumabas papunta sa pintong pinanggalingan namin. Nung wala na sila, nagsalita ulit si Gia.
“Horrible talaga. Kinailangan naming tanggalin yung arrangements na ginawa namin para kay Bryan para maset-up yung kay Sohan. Hindi kaya madaling
mag-ayos nang dagat ng roses lalo na kung alaga at actor set-up yung nauna.
Nakarinig ako nang mga tahol ng aso sa loob.
“Mga aso. Dala lahat ni Bryan. Alaga niya lahat. Parang bangungot para mapasunod silang lahat, tapos biglang dumating si Sohan at yung team niya.”
“Sabi nila masama daw ugali niya sa staff.” tango ni Ren.
Well, based sa nakita ko kanina? Mukhang ganun na nga.
“Rebelde siya.” Tuloy ni Gia. Parang naeexcite siya na magkalat nang tsismis. “Last week, hindi siya sumipot sa commercial taping niya kasi di daw niya gusto yung weather. Kahapon naman, narinig ko binuhusan niya ng tubig yung stylist niya.”
Napanganga na lang si Ren.
“Diba?” kibit-balikat ni Gia na para bang nababasa niya utak ni Ren. “Anyway, Boss Ren, sorry talaga. Nasa set na ulit si Bryan kung magcocooperate sana yung mga aso niya. Tapos kayo nasa 5th spot, baka sa hapon pa yun. Nabigyan ko na si Navi nang lunch.” Sabay turo sa binigay niya kanina.
“Eh wala naman kaming magagawa. Pwede ba kaming manood na lang?” tanong ni boss.
“Oo naman. Tara.”
Dinala kami ni Gia dun sa pinto sa likod niya. Ang daming tao. Combination ng staff, managers, artista at photographer.
Sobrang sikip. Ayoko nang ganito. Yung magstay lang ako sa ganito kasaradong lugar na madaming tao, kinikilabutan na ako.
“Boss, pwedeng matulog na lang ako sa kotse?”
“O sige. Pero sumagot ka pag tinatawagan kita ha?” alam naman niyang pagod ako dahil sa training ko kagabi.
“Ok.” Sabi ko.
Sa totoo lang ayokong matulog sa kotse. Gusto ko i-enjoy ‘tong lamig ng December. So imbes na bumalik ako sa parking lot, naglakad-lakad ako para makahanap ng tutulugan.
“Si Navi! Si Navi!”
May mga babae na tiningnan ako tapos tumili habang papasok ako ng elevator.
Well, wag ka magulat kung ginagawa nila yan. Hindi lang si Sohan at Bryan. Artista din ako.
6-foot flat, toned muscles kakalaro ng sports, magandang combination ng Asian and Hispanic features. Hindi naman sa pagmamayabang pero madali mo ako makikita kahit ilagay mo ako sa crowd.
Ano bang ginagawa ko sa lugar na ‘to, tanong mo? Nagulat din ako eh. Nanominate ako sa Youth of the Year category ng Platinum Awards.
Nagsimula yung kasikatan ko sa kakaibang paraan. Hindi ako katulad nung lalake kanina na artista simula pagkabata. Di rin ako tulad ni Bryan na nagsimula yung career online kasama mga aso niya. Sinong mag-aakala na ang paggawa ng trick shots kasama mga kaibigan ko sa school ay mapupunta sa paglabas ko sa TV?
Hindi rin ako artista talaga. Nito lang ako nabigyan ng filming offers hanggang sa napadpad sa TV series.
Mas kilala ako bilang atleta.
Ang exactong rason kung bakit ako bumalik sa Pilipinas.
Kasi lumaki ako sa ibang bansa. Duon nagsimula kasikatan ko.
Sa Madrid.
Anyway, maliksi man ako, gusto ko nang matulog. Hayaan niyo na ako.
Sa kakapanood nang madaming anime, alam ko kung saan ako dapat matulog at dahil malaki at modern ang building na ‘to, dumirecho ako sa pinakamataas na floor.
Yep. Kita ko nga halos walang ganap sa floor na ‘to. Lahat busy sa lower floor. Kaparehas lang ng style sa baba. May banyo sa dulo, mga kwarto sa gitna, at sa kabilang dulo naman hagdan.
“Mejo nakakatakot.” Sabi ko sa sarili ko habang tumutunog yung hakbang ko. Limang beses pa lang ako nakakapunta sa building na ‘to kaya hindi ko alam kung anong department ang nandito. Parang halos walang tenant sa banda rito kaya sumilip ako sa bawat pinto.
Una at pangalawang kwarto, opisina. Pangatlo, stock room. Yung ibang kwarto, opisina rin na may konting tao sa loob.
“Kelan mo ba tatapusin pakikipagkita mo sa kanya? Akala ko ba pinaglalaruan mo lang yun?” nakarinig ako ng boses nang babae.
“Makikipagbreak din ako dun.”
Napahinto ako sa pagbukas nung pangwalong kwartong sinisilip ko. Mukhang mini pantry siya at merong dalawang tao sa loob.
“Hindi kita maintindihan. Nakikipagdate ka na sa kanya nang halos anim na buwan! Ayaw mo sa mga bading pero dinedate mo?”
“Para turuan sila ng leksyon. Nakakadiri sila. Yung lalakeng yun mas matindi pa pagiging clingy kaysa sa babae eh. Araw-araw binibigyan ako nang pagkain na niluto niya at dapat nakaharap kami sa maraming tao kapag binibigay niya. Ano ba sa tingin niya gagawin ko? I-announce sa lahat na kami?”
“Clingy kaysa babae? Sinasabi mo ba na clingy ako?” naiinis na sagot nung babae.
“Hindi, babe. Hindi yun ang ibig kong sabihin. Yun nga lang - ”
Ay bahala kayo diyan. Ayoko na makinig. Ayoko na malaman yung tarantadong logic nung lalakeng two-timer. Sa pagkakaitindi ko, mukhang sabay niyang karelasyon ay babae at lalake. Gago talaga.
Kung meron akong ayaw, ayun yung mga peke na tao.
“Hay nako di ‘to pwede.” Ayoko na magtingin ng kwarto. Pupunta na lang ako sa rooftop tulad nang plano ko talaga. Walang elevator paakyat kaya maghahagdan na lang ako.
Pero napahinto ako nung may nakita akong tao na nakaupo sa hagdan.
Hindi ko maintindihan kung bata ba siya or matanda na? Mukhang matanda. Mahaba buhok niya na nakamagulong pusod sa ulo niya, tapos yung bangs niya natatakpan yung kalahati ng mukha niya. Payat na nakasleeveless, at yung braso niya ang daming peklat na puti. May dala siyang plastic na may lamang lunch boxes.
Isang segundo – nakaramdam ako nang paninikip ng dibdib na para bang nahampas ako nang mabigat na bagay. Tapos biglang nawala, ni hindi man lang ako nakapagreact.
“Aray.”
Hinilot nung lalake yung dibdib niya habang hinihilot ko rin yung akin.
*sounds
Tumungo yung lalake at hiniga niya yung ulo niya sa mga braso niya na nakapatong sa mga tuhod niya. Yung hawak niya kanina nasa tabi na niya. Ayokong makita niya ako, kaya umakyat na ako derecho nang rooftop.
“Hay salamat may lilim.” Nagpahinga ako sa isa sa mga bench na medyo tago sa paningin ng iba. Mahangin na alas nwebe ng umaga. Magtatago na ako dito.
Sa wakas, may lugar kung saan pwede akong matulog nang walang ingay at walang ibang tao.
“Ang ganda talaga ng panahon pag December.” Sabi ko sa sarili ko.
Maya-maya lang nakatulog na ako.
Ang huling matahimik na pagtulog na mararanasan ko sa ngayon.
Ang mga kuya niya at si Navi ay nasa loob nang kotse habang binabaybay nila ang kalye ng Quezon City. Tahimik lang siyang nakaupo pagkatapos niyang mapagalitan dahil nagreklamo siya na gusto na niyang umuwi.
“Wow ang haba nang pila!” sabi ni Leon.
“Saan kaya yan natatapos?” tanong ni Nathan habang inoobserbahan ang pila nang mga bata at magulang.
“Lumiko ka para makita natin.” Sabi ulit ni Leon.
Umikot ang kotse nila. May matinis na tunog. Nakaramdam si Navi nang sakit.
May sumigaw. Yung mga tao nagbubulungan…
Nahihirapan akong huminga.
Dalawang mukha ang nasa harap ni Navi, nagsasalita nang mga hindi maintindihan.
“Hindi pa panahon…”
“Magpasalamat ka… habang-buhay.”
Screeech…
“Huugh.”
Napabukas ang mata ko bigla. Mga ilang minute bago ako nakagalaw. Hindi ko alam kung nananaginip pa ba ako o gising na ako? Yung tunog ng tires para bang nasa tenga ko parin at nagpeplay na parang pirated CD. Nagulat ako nung nagvibrate yung telepono ko.
“Hello?” sagot ko. Yung puso ko parang tatalon.
“Navi? Nasaan ka na? Ikaw na next. Kelangan mo na magmake-up.” Sabi ni Ren.
“Papunta na.” tinapos ko ang tawag at napansin kong ang hina nung boses ko.
Pagtingin sa oras sa phone, narealize kong limang oras na pala ako natutulog dito.
Parang hindi lang parte nang panaginip ko yung tunog ng kotse kanina. Naririnig ko parin kasama nang pagbusina ng mga kotse.
“Ano bang nangyayari?”
Mausisa akong nilalang kaya tiningnan ko kung anong nangyayari sa baba.
Sana hindi ko na lang ginawa.
Bumaligtad sikmura ko.
Mayroong traffic. Kung saan-saan galing yung mga kotse. At sa gitna nung mga kotse na yun, merong katawan na nasa semento. Duguan, walang buhay.
Biglang may pumitik sa utak ko. Isang imahe nang batang lalakeng duguan na nasa harap ko habang may nakaaligid na anino sa likod niya.
“No.” pinikit ko mata ko at umiling. Napaatras ako. Mahina ako sa mga eksenang aksidente tulad nito. Wala akong kagustuhan na matatak ‘to sa utak ko. Dali-dali, umalis ako nang rooftop at bumaba sa hagdan patungo sa elevator.
Ang pinaka-kinakatakutan ko ay ang combination nang dugo at kamatayan.

