top of page

Prologue

Ginusto mo ba dati na maging mas talentado sa pinakamagaling na studyante sa klase?

O kaya kahit kalahati lang ng kakayanan ng magaling mong katrabaho?

Nabiwisit ka na ba kasi may pinlano ka pero hindi mo magawa nang tama?

O di kaya yung alam mong madali pero nagkamali ka parin?

Yung pakiramdam na maaabot mo na yung tagumpay pero kulang parin yung effort mo?

 

 

Nanggaling na tayong lahat diyan.

 

 

Alam mo kung bakit?

 

 

Yung mga kabiguan mo hindi naman dahil normal na tao ka lang.

 

 

Bago tayo pinanganak sa mundong ito,

biniyayaan na tayo ng kaalaman tungkol sa sangnilikha.

Kilala natin ang isa’t-isa.

Meron tayong kakaibang mga talento.

Alam natin kung paano gumagana ang siyensya.

Alam natin kung paano gumagana ang mga bagay-bagay bago pa ito maimbento.

Kaya nating magsalita nang lahat ng lenguahe.

 

 

 

 

 

 

Alam

Natin

Ang

Mangyayari

Sa

Hinaharap.

 

 

At sa dulo ng listahan ng makapangyarihang kaalaman, alam din natin kung paano tayo mamamatay.

 

 

Kung binabasa mo ‘to, ibig sabihin isa ka ring kaluluwa dati na naghihintay ng katawan.

 

 

Nawawala ang ating kaalaman mula dulo pataas ng listahan kapag tayo ay lumabas na sa sinapupunan ng ating ina.

 

Pinanganak tayong nakahubad, at pagkalabas natin ay sabay nawawala ang memorya natin dahil sa pagkabigla na tayo ay nasa mundo na. Kung ano man at sino man ang alam at kakilala natin nuong kaluluwa pa lang tayo ay nawawala kapalit ng totoong buhay kung saan pwede nating gamitin ang kaalamang naglaho para hanapin ang mga bagay at tao na nakalimutan na natin. Nagiging normal na tao tayo sa posibilidad na maungkat muli ang mga talentong nawala sa atin nang hindi natin nalalaman.

 

 

Merong iba na maswerte at nadadala nila ang ilang parte ng biyaya, kaya merong mga taong magaling sa isang bagay.

Yung iba naman di masyado, kaya umaasa sa tyaga o di kaya nahihirapan talagang makaadjust.

At meron din namang may biyaya pero hindi mahasa nang tama, ang mga katamtaman lang.

 

At yung iba…

 

 

Yung pinakamaswerte at nadala nila ang malaking bahagi ng kaalaman nila nung kaluluwa pa sila…

 

Ang mga henyo.

 

Kaya kung nabubwisit ka na kasi di mo makamit yung talentong gusto mo, tandaan mo na minsan kang naging dalubhasa sa lahat ng bagay. Kailangan mo lang makita yung susi sa nawawala mong memorya.

 

Sa pagkawala nito, may dumating naman: kapalaran at pagkakataon.

 

Nandiyan lang sila, kasama natin sa paglaki, naghihintay na gamitin.

Pwedeng mahina o malakas.

 

Karamihan nang tao binabale-wala ito.

Yung iba ginagamit ng wasto.

At yung iba, sinasayang nila.

 

 

At may mangilang-ngilan na…

 

Binabago nito ang buhay nila.

 

 

 

 

Kapag nagamit mo na sila, tapos na, hindi na sila babalik.

Hindi mo na ulit magagamit.

ACE POV

“Hoy Trias! Ayusin mo nga yung mic sa gilid! Romantic scene ang gusto ko, hindi National Geographic! Gawan mo nang paraan yung tunog ng bibe!”

Hay nako. Sinisigawan ako nung director nung movie. Nandito kami ngayon sa probinsya at ang tagal ko nang hindi nakapunta sa ganito. Sariwa yung hangin dahil ang daming puno sa paligid nung luntiang bukid. Merong mga bahay kubo sa gilid na may magandang view nung lawa na nasa kabila. Mas gusto ko ang lawa kaysa dagat. Hindi kalayuan merong mga kalabaw na kumakain ng damo sa –

 

 

“Trias narinig mo ba?!”

“Opo boss! Teka lang!” sigaw ko.

 

Haaaaay. Panira ng mood. Nakaupo ako sa dayami habang pinapanood yung nature pero itong director na ‘to nagrereklamo dahil lang sa isang maliit na bagay.

 

Ni hindi ko nga ‘to trabaho!

 

“Nasaan ba kasi yung sound guy?” maktol ko.

“May sinabi ka?!” tanong na pasigaw nung director sakin.

“Ang gwapo mo boss!” sabi ko. Natawa na lang yung iba.

 

Imbes na ayusin yung mic, kumuha na lang ako ng higanteng abaniko para itaboy yung mga bibe na gustong magcameo sa eksena. Bakit ba kasi siya nagrereklamo? Eh siya ‘tong pumili ng lugar. Bukid! Natural may tunog hayop! Kingina.

 

Kung nagtataka ka kung anong ginagawa ko dito, eh di sasabihin ko. Freelance Production Assistant ako sa iba’t-ibang shows ng ABS TV. Ito ang linya ng trabaho ko. Maghanda ng bagay-bagay behind the scenes, i-assist yung director sa requirements niya, minsan utusan ako nung producer, or nung light manager or nung sound director or nung photographer – gets mo? Ako nasa ilalim ng pre-production chain na ‘to. At ngayon mukhang pati sound guy pinasa na trabaho sakin. Gago.

 

Well, kaibigan ko kasi yung sound guy, si Elliot. Ayun siya, yung matabang boom operator para sa project na ‘to na nakikipaglandian dun sa staff nung artista. Hindi naman ako makareklamo, siya kasi may dahilan kung bakit ko nakuha ‘tong trabaho na ‘to eh. Sino naman kasi kukuha sa undergraduate na katulad ko?

 

Ayan, nabulabog ko na yung mga bibe at tumakbo na sila sa takot – dahil sa mukha ko or sa abaniko, ayoko na malaman.

“Ace! Nakuha ko number niya!” dumadagungdong na tumakbo si Elliot habang winawagayway yung cellphone niya. Breaktime na. “Nagtatrabaho siya sa Viva films!”

Nirolyohan ko lang siya ng mata. Bahala ka jan. Bading si Elliot at dahil sa kanya kung paano ko nakilala yung boyfriend ko.

 

 

Yep.

Boyfriend.

Gusto ko lalake.

 

 

Hindi naman ako yung babaitang klase nang bading pero si Elliot mukhang ganun na nga. Hindi ko rin naman masasabing tagong bading ako kasi karamihan dito alam na gusto ko lalake. Bi yata ako. Gusto ko rin naman ang mga babae, pero mga times 10 ang appreciation ko sa muscles ng lalake. Biceps, gwapong mukha… itlog.. Ay… Joke lang.

 

 

Haay namimiss ko na boyfriend ko.

 

 

Si Gary na nakilala ko ilang buwan na rin. Nagtatrabaho din siya sa ganitong industriya. Ngayon nasa ibang team siya naghahanda para sa Platinum Awards na photoshoot. Nasa mismong TV station sila ngayon. Nakakain na kaya siya?

“Oo nga pala, narinig ko sa kanya na yung team nila nasa TV station bukas.” Panay bida nito ni Elliot dun sa bagong kilala niya. Ano bang pake ko? Hindi ko naman type.

“Hulaan mooo kung sinoooong nanduuun?” kanta niya.

“Sino?” tanong ko habang nagpapaypay.

“Si S-O-H-A-N.” sabi niya.

 

Ay nanlaki yung mata ko at tinakpan ko bibig ko sa gulat.

 

“Korak, bitch. Nandun si Sohan bukas ng hapon.”

“Ayun naman pala. Hoy, bigyan mo ako nang trabaho dun. Wala naman akong sked bukas.” Naexcite ako dun ah!

“Ay, di ko alam. Full-force na sila dun eh.” Sabi niya habang nakatingin sa phone niya.

“Elliot naman. Kaya mo yan! Sino ka ba? Mas magaling ka pa kay Rihanna. Gandang-ganda si Katy Perry sayo. Ang dali lang para sayo na isama ako dun sa project na yun!”

 

Leche. Ayokong pinupuri ‘tong baklang ‘to eh. Pero sino ba ako kundi biktima ng kakisigan? Mas matanda si Elliot sakin at matagal na siyang nagtatrabaho sa ganitong industriya kaya may access siya sa sked ng mga celebrity at mga lokasyon. Hindi lang siya sound guy. May experience siya sa lahat ng position ng pre-production at may tiwala yung kumpanya sa kanya. Kaya alam mo na kung kanino ka sisipsip.

 

“Sige na nga. Sa totoo lang meron pa silang hinahanap na extra staff para bukas nang hapon. Pwede kong tanungin friend ko kung pwede kang isama sa list.”

“OMG thanks!” Sobrang saya! Alam niya kung gaano ako ka-fan ni Sohan. “Magugualat si Gary.” sabi ko.

“Oo na, itigil mo na yung pagmamayabang mo na may jowa ka. Nakakahiya sa mga single na katulad ko. Gary ganito, Gary ganyan. Kelan ba kayo magpapakasal ha?”

“Kapag ready ka na maging ninang.” Sabi ko sa kanya.

“Pakyu ka!”

 

Tinawanan ko lang siya. Nandun din boyfriend ko bukas. Tiningnan ko phone ko kung may message ba siya kaso simula kagabi wala pa. Ok lang, naiintindihan ko naman. Grabeng hectic dun. Yung Platinum Awards kasi ay yearly tradition ng station para bigyan nang award yung mga kagalang-galang sa bawat industriya sa buong bansa. Nandiyan yung Business Awardee, Young Entrepreneur, Best Consumer’s Bank, Science Award at kung anu-ano pa…

 

 

Pinakainaabangan ko yung Youth of the Year award.

 

 

Yung paborito kong artista, si Sohan, nominado sa category na yun at sigurado ako na mananalo siya.

 

Nakakatawa. Sa ganito ako nagtatrabaho pero di ko pa siya nakikita at nakakatrabaho.

 

Malaking porsyento kung bakit yung undergraduate na katulad ko ay nagtatrabaho sa ganitong mabilisan na field ay dahil gusto ko makita si Sohan.

 

 

 

“Trias, balik na. Tanggalin mo na yung ilaw. Dali!”

Tinaasan ko nang kilay yung lighting director. Hoy tanda, hindi ako sa team mo! Bakit mo ako inuutusan?

“Trias, ilipat mo nga yung upuan para nakaharap sa sunset!” sabi nung set manager.

“Trias yung mga bibe bumalik!”

 

 

“Sandale!” sigaw ko.

 

Kainis. Mga demanding?!

 

May mga team kami para sa project na ‘to, bakit nasa akin lahat ng trabaho? Nanjan yung lighting team, sound team kung saan ako belong, yung team ng director, team at staff nung mga artista, set designer team, props team. Lahat sila may production assistant, mukhang ako lang ba nandito?!

 

“Trias dalhan mo yung mga artista nang tubig sa tent!”

 

 

 

 

Puta!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Hagardo verzosa na akong umuwi pero may dalawang dahilan ako para gumising ng maaga bukas.

Una, makikita ko na boyfriend ko pagkatapos nang isang lingo na walang komunikasyon. Namimis ko na siya.

Pangalawa, makikita ko na si Sohan! Fan ako since childhood.

 

Pero bago ko ikwento kung gaano ko kamahal yung henyong actor na si Sohan, nagpakilala na ba ako?

 

Ay sorry, hindi pa pala.

 

Wala naman kasing masyadong masasabi tungkol sa akin. Hindi naman ako interesting. Alam niyo na kung anong trabaho ko, trip kong karelasyon. Yun lang naman.

 

“Ace, kumain ka na?” may katok sa nakabukas kong pinto. Yung lola ko nakatayo sa gilid tapos inaaninag ako kasi lamp lang yung nakabukas.

“Opo, kumain na!” sigaw ko.

“Mabuti. Never skip meals.” Lagi niya yang sinasabi. Mabuti kahit anong kain ko, hindi ako tumataba. Umalis na siya para pumunta sa sarili niyang kwarto.

 

Ah oo nga pala. Nakatira ako kasama lola ko. May kuya ako pero nasa ibang bansa siya kasama daddy namin. Yung nanay ko naman busy na workaholic pa. Hindi na ako nagtataka kung bakit sila nagdivorce. Kaya ayun, nakatira na ako dito since 7 years old ako. Naghiwalay kami nung kuya ko nung naghiwalay magulang namin. Kaya lang yung nanay ko hindi ako maalagaan dahil sa trabaho niya kaya dinala niya ako dito.

 

Hindi magandang storya yung pagkabata ko sa totoo lang. Medyo dramatic, parang yung teenage life ko. Baka umiyak lang ako dito kaya next time ko na lang ikukwento. Buti na lang nandiyan si Sohan para kulayan ang madilim kong mundo. Masasabi kong siya yung gumising sa walang hanggan kong tulog – literal.

 

 

 

“Ano kayang kulay niya?” tanong ko sa sarili ko habang hawak ko yung kulay dyamante na bilog na pinatalbog ko sa kisame at balik sa kamay ko. Walang tunog. Parang solid na spirit. Gets mo ba?

 

Malamang hindi.

 

Kuminang siya na puti at purple, parang nangunguryenteng yelo sa balat ko. Feeling ko ako si Naruto tapos ito ay Rasenggan.

Kung naghahanap ka kung anong kakaiba sa buhay ko, then mukhang ito na yun.

 

 

Nakikita mo ba ‘to?

 

 

Siguradong hindi.

 

 

Kasi sa buhay na ‘to, bihira lang kami.

 

Yung mga nakakakita nitong lumulutang na makulay na orbe.

 

 

Ang mga ‘Kapalaran’.

c1-3.jpg
DoZ23KoV4AA_VTL.jpg
c1.jpg
bottom of page